-->
Home » » Buo pa rin ako at ang mga Salita ay hindi pa Nadudurog

Buo pa rin ako at ang mga Salita ay hindi pa Nadudurog

Posted by Admin
Kumpulan Puisi Wiji Thukul Terlengkap, Updated at: 12.04

Buo pa rin ako at ang mga Salita

ay hindi pa Nadudurog


hindi ako artistang gumagawa ng balita
pero ako ay totoong laging masamang balita
para sa makapangyarihan

hindi tula ang aking mga tula
kundi mga madidilim na salita
na pawisan at nagtutulakan
naghahanap ng daan
hindi sila mamatay-matay
kahit dukutin ang mga bilog ng aking mata at palitan
hindi sila mamatay-matay
kahit inilayo ako sa aking tahanan
tinutusok-tusok nang nag-iisa
hindi sila mamamatay
ibinayad ko na ang kanilang hinihingi
panahon - lakas - sugat

lagi akong sinisingil ng mga salitang ito
laging sinasabi sa akin
buhay ka pa rin

totoong buo pa rin ako
at ang mga salita ay hindi pa nadudurog

(Translation of Aku Masih utuh Dan Kata-Kata Belum Binasa)

Selection and Filipino Translations from Bahasa Indonesia by
Ramon GUILLERMO
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
University of the Philippines
Diliman, Quezon City

Source:
ASIAN STUDIES
Journal of Critical Perspectives on Asia
Volume 49, Number 2, 2013 50th Anniversary Issue
Url: http://asj.upd.edu.ph/mediabox/archive/ASJ-49-2-2013/ASJ%20Vol%2049%20No%202%20-%202013%20FINAL%2015.pdf

Share This Post :

0 comments:

Posting Komentar

Countup
Wiji Thukul, yang bernama asli Widji Widodo (lahir di Surakarta, Jawa Tengah, 26 Agustus 1963) adalah penyair cum aktivis berkebangsaan Indonesia. Thukul merupakan salah satu tokoh yang giat melawan penindasan rezim Orde Baru. Pasca Peristiwa 27 Juli 1996, sekitar bulan-bulan menjelang kejatuhan Soeharto pada tahun 1998 hingga sekarang tidak diketahui rimbanya. Dia dinyatakan hilang dengan dugaan diculik oleh militer Orde Baru

Cari Blog Ini

Hanya Satu Kata: Lawan!

Nyanyian Akar Rumput-Kumpulan Lengkap Puisi Wiji Thukul

Populer Bulan Ini

 
Template by Maskolis and CB Design