Balada ng Bala
saan ang nguso ng baril na iyon?
gusto kong sabay na sumabog at maging bala
hanapin ang noo mo, tumuro sa kamatayan Mo
makita ang kaluluwa Mong lumilipad
at hahabulin ito ng sarili kong kaluluwa
upang malaman ang Iyong tinitirahan
handa akong magpatiwakal
tiyak ito, pagkaraan malaman ang inuuwian Mo
ngunit ang balang naghahanap sa Iyong noo
ay nakatagpo lamang sa Iyong matang mambabarang
sim salabim
magbalik ka sa tunay mong anyo!
at totoong hindi magkakaroon kailanman ng
magdadala ng
baril
para sa akin
lalo’t higit sa noo
ang magandang panaiginip na ito
ang magandang panaginip na ito
bakit magpakailanman?
(Translation of Balada Peluru)
Selection and Filipino Translations from Bahasa Indonesia by
Ramon GUILLERMO
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
University of the Philippines
Diliman, Quezon City
Source:
ASIAN STUDIES
Journal of Critical Perspectives on Asia
Volume 49, Number 2, 2013 50th Anniversary Issue
Url: http://asj.upd.edu.ph/mediabox/archive/ASJ-49-2-2013/ASJ%20Vol%2049%20No%202%20-%202013%20FINAL%2015.pdf
0 comments:
Posting Komentar