Ano ang Saysay ng aking Pagtula?
Ano ang saysay ng aking pagtula
Kung hindi pumasok sa eskwela ang aking kapatid
Dahil hindi mabayaran ang matrikula
Ano ang saysay ng aking pagtula
Kung umuwi ang aking tatay na nawasak ang pedicab
Kapag kailangan ng perang pambili ng bigas
Kung kailangan naming kumain
At kung wala nang makakain?
Ano ang saysay ng aking pagtula
Kung nag-aaway ang tatay at nanay
Pinagbibintangan ni nanay si tatay na siya ang may kasalanan
Kahit ginigipit na ng mga bus ang mga pedicab
Sino ang may kasalanan kung mas mura nang
sumakay sa bus kaysa magpedicab?
Ano ang saysay ng aking pagtula
Kung sinasakal sa utang si nanay?
Kung sinasakal sa utang ang kapitbahay?
Ano ang saysay ng aking pagtula
Kung napilitan kaming magtayo ng bahay
Sa tabi ng maruming kanal
Samantalang lalong nagmamahal ang lupa
At hindi kami makabili
Sino ang may kasalanan na hindi kami makabili ng lupa?
Ano ang saysay ng aking pagtula
Kapag namatay ang isang maysakit sa kanyang bahay
Dahil napakamahal magpa-ospital?
Ano ang saysay ng aking pagtula
Na kumakain ng aking oras sa loob ng ilang buwan
Ano ang maiaambag nito sa paglutas sa kahirapang
Sumasakal sa amin?
Ano ang naibigay ko
Kapag nagpalakpakan ang mga nakinig sa aking mga pagbasa
Ano ang naibigay ko?
Ano ang naibigay ko?
Semarang, 6 Marso 1986
(Translation of Apa yang Berharga dari Puisiku)
Selection and Filipino Translations from Bahasa Indonesia by
Ramon GUILLERMO
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
University of the Philippines
Diliman, Quezon City
Source:
ASIAN STUDIES
Journal of Critical Perspectives on Asia
Volume 49, Number 2, 2013 50th Anniversary Issue
Url: http://asj.upd.edu.ph/mediabox/archive/ASJ-49-2-2013/ASJ%20Vol%2049%20No%202%20-%202013%20FINAL%2015.pdf

0 comments:
Posting Komentar